Linggo, Marso 27, 2011

HAWLA

I-STANZA AKO AY SYANG BINHI NG AMA LUPA AT LANGIT TILA IISA PANAGHOY NG HAYOP ANG DINIG NILA PATAK NG LANGIT NGAYON AY PULA BRIDGE: IKINULONG ANG SARILING PANINIWALA SA HARAP NG BERBO SIYA AY IKINATWA   

 CHORUS : OHH, HOOH, HOOHO, MULA SA HAWLANG GINTO OHH, HOOH, HOOHO, SUMPA NG LUPA'T BATO OHH, HOOH, HOOHO, MULA SA HAWLANG GINTO OHH, HOOH, HOOHO,

 II- STANZA SAKOP NG UTAK GALIT AT AWA SARILING AMA BAKIT MO NAGAWANG BIHAGIN ANG BERBONG UTOS NIYA LANDAS NG LUHA SA KATAWAN NG IBA.

III-STANZA KAPIRASONG DIWA BIGKAS NG AMA LIKHA NG HIWAGA LIGAW NA SALITA HALIK NG TAO KAMANDAG NG DILIM SA LAHAT NG ORAS HINDI NIYA MAATIM.

Martes, Marso 22, 2011

Ang Babaeng Naghubad sa Dalampasigan ng Obong

 Labis ang aking pagkagitla
sa unti-unting pagkalaglag
 
ng iyong patadyong
animo’y pilantik ng pasol
sa mayamang pamana
sa maputing dibdib mo.
Kay ganda ng pagkalatag
ng dalawang biyoos,
nakausli sa may umaga
sana’y makatitiyad ako sa ibabaw
ng aking balikhaw!
O anong sarap sumigaw ng mahinahon!
Habang lumilingon-lingon ka
Kung wala bang kasalo sa iyong pagpapabaya,
Naglagitgitan ang mga dahon,
Itinulak ng lunti ang mga laya
at nakisalamuha sa lupa;
pababa ng pababa ang patadyong
kumalat ang iyong kariktan,
‘kinalong ka ng mga alon
inakay ka ng batis
ng liwanag at lilim
hinangad ang mga lusay
upang gawing pana
sa kanilang malikmata
nilathala kang walang katumbas
sa mga hangari’t panaginip
ang iyong pusod karangalan ng Ladabi,
ang iyong kinding dalisay na Sugbuanon;
ibinintang ko sa langit
ang aking kasiyahan
pagkat ng umigkas ang bingwit
iniwan mo ng taga ang aking
kasingkasing.